ANG PROBLEMA
Wala tayong pupuntahan kapag hindi malinaw kung sino ang namumuno at walang napapanagot sa mga kapalpakan. Diyan maiiba ang mga Nasyonalista. Ulo namin ang Isasangkalan. Malinaw kung sino ang mananagot sa bawat kapalpakan.
Sa bawat kapalpakan ng Gobyerno, Milyon-Milyong Pinoy ang naabuso, naghihirap at namamatay. Nararapat lang na parte ang pananagutan sa Pamahalaan.
Sino Tayo
Tayo ay mga Nasyonalistang Pinoy Hindi Pulitiko, Hindi Partido kundi Kapatiran. Nais natin gamitin ang yaman ng ating bansa, para unahin ang kapakanan ng mga Pinoy.
Tumatanggi kaming tanggapin na kailangan pang mangibang-bansa para lang mabuhay ng disente sa sarili nating lupain, samantalang ang mga dayuhang hamak sa sarili nilang bansa ay pumupunta rito at namumuhay na parang hari.
Tumatanggi kaming hayaan lang ang mga iilang pesteng Buwaya sa pag sangla ng ating kinabukasan.
Ang Ating Bandila
Watawat ng Pinas
Bandera ng Nasyonalista
Ating Mga Kalaban
Aming Paniniwala
Tatlong Hakbang
Trabahuin ang mga kurakot na buwaya sa Gobyerno. Pamunuan ng mga Nasyonalista. Kung saan, sa tuwing kami ay papalpak — Ulo namin ang gugulong.
Naupo na sila Erap, Arroyo, Aquino, Duterte at Marcos, Pero bakit naghihirap parin tayo? Hindi ito sa pag pili ng "Presidente" Ang problema ay ang ating sistema. Palakasin ito gamit ang Accountable Federal-Parliamentary na sistema ng pamamahala.
Itatag ang Kagawaran ng Pananagutan. Hindi pwede ang puro turuan. May mananagot muna bago ang mga imbestigasyon.
Ating Pangitain
Pag natapos na ang ating Misyon at nabayaran na natin ang dugong kapalit ng isang matatag na Pamahalaan —
Ang mga susunod sa atin ay makakahabol na sa larangan ng Teknolohiya, Produksyon ng Enerhiya at Sandatahang Lakas.
Maari na nilang tulungan ang ating mga nawawalang kalahi.
// Ang Oportunidad
Kung mahirap kang pinanganak
Ito na ang Pagkakataon mo.
Trinaydor nang iilang mga Buwaya ang Dukhang Pinoy.
Hindi sila karapat dapat sa yaman ng Bansa.
Kailangan ng bagong mga Pinuno,
Bagong Sistema.
Di mo ba naririnig ang iyak nila ng Hustisya?
Ibigay natin ang pangagaylangan nila. Gobyernong may Pananagutan,
At singurado...
May kayamanan
para sa mga
Nasyonalista
Sasama kaba sa pamahalaang may Pananagutan
O gusto mo maiwan sa sistema ng Nakawan?